Pilipinas, bukas sa pagkakaroon ng Joint Naval Drills kasama ang China at Asean sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 1451

SEC.GAZMIN
Posible ang pagkakaroon ng Joint Naval Drills ng Pilipinas kasama ang China sa West Philippine Sea o South China Sea ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Ito ay kung kasama ang iba pang bansa sa Asean.

Anito, dapat makumbinsi rin ng beijing ang iba pang bansa sa rehiyon sa pagkakaroon ng naval drills.

Noong Oktubre, nagpahayag ng interes ang China sa pagkakaroon ng joint exercises kasama ang Association of South Asian Nations sa South China Sea sa susunod na taon.

Kabilang sa binanggit ni China Defense Minister General Chang Wanquan ang balak na pagsasanay na may kaugnayan sa accidental encounter sa dagat, search, rescue at disaster relief.

Lumabas ang pahayag nang magkita-kita sa Beijing, China para sa isang informal meeting ang sampung Association of South East Asian Nations Defense Ministers kabilang na sina Philippine Defense Secretary Voltaire Gazmin at Chinese General Wanquan.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na China ang nanguna sa Asean Defense Ministers’ Meeting.

Tags: , , , ,