Pilipinas, binigo ng Amerika ayon kay DFA Sec. Yasay

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 2256

sec-yasay
Binigo umano ng Amerika ang Pilipinas kaya napilitan si President Rodrigo Duterte na ire-align ang foreign policy ng bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, ito ang nais bigyang-diin ng pangulo sa kanyang mga naging pahayag laban sa Amerika kamakailan.

Dagdag pa ng kalihim, ang pagnanais ni Pangulong Duterte na paghiwalay sa Estados Unidos ay upang protektahan ang bansa sa internal at external security threats na nagiging dahilan ng pagiging sunud-sunuran dito.

Sinabi pa ni Secretary Yasay, panahon na upang muling pag-aralan ang layunin ng pagkakaroon ng US-Philippine military exrecises na nagsimula pa noong 1950.

Gayunman, nilinaw naman ng kalihim na hindi nila ipinagsasawalang-bahala ang mga tulong na ibinigay ng amerika sa pilipinas sa mga nagdaang panahon.

(UNTV News)

Tags: , ,