Pilipinas, balik sa “high- risk” classification sa gitna ng banta ng Delta – DOH

by Erika Endraca | August 10, 2021 (Tuesday) | 1460

METRO MANILA – Inanunsyo ng DOH noong July 29 na nasa “moderate- risk” classification ang Pilipinas. Nguni’t wala pang 2 linggo, ibinalik ito sa “high-risk” dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases at pagdami ng mga nao-ospital bunsod ng pagkalat ng Delta variant.

Sa datos ng DOH, halos 2,000 ang itinaas ng kaso kada araw nitong nakalipas na 2 Linggo.

Mula sa 7,029 average daily cases noong July 2-August 1, pumalo ito sa 8,829 noong August 2-8.
“Nationally, our two week growth rate is positive at 47% our average daily attach rate on the other hand is now at high risk which increased to 7.20 cases for every 100,000 population. Nationally, our case classification is now at high risk.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag ng DOH, mahigit 50% na sa health care at ICU capacity ng bansa ang okupado na.

“When we say it’s HCUR it comprises the isolation, the ward beds , the ICU beds and the mechanical ventilators” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa DOH, 4 na lang sa 17 rehiyon sa Pilipinas ang wala pang Delta variant cases. Ito ay ang MIMAROPA, SOCKSARGEN, Caraga at BARMM

Sa 450 delta variant cases sa Pilipinas, 146 dito ay mula sa NCR. 83 sa Delta cases sa bansa ang hindi bakunado.

“4.99% or 450 samples were positive of the delta variant ir the Indian lineage 426 have recovered, 10 have died while 13 remain to be active after validation and repeat RT- PCR conducted by our local epidemiology and surveillance units” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Samantala bukod sa NCR, kabilang din sa high- risk classificatoin ang Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Central Visayas at Northern Mindanao

Ayon sa DOH, mahigit 200 pasilidad sa buong bansa ang mahigit 80% ang okupado na ang kanilang health care system. 25 ospital dito ay mula sa NCR

“Kapag tinignan po natin nationwide 56% ang ating healthcare utilization but looking at it granularly we see to 236 facilities nationwide ay nandoon sa level ng critical” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Bilang bahagi ng paghahanda sa pagdami pa ng COVID-19 cases, mahigit 4,000 healthcare workers ang na-hire ng DOH simula noong Marso upang ipadala sa mga rehiyong nangangailangan ng karagdagang manpower.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,