METRO MANILA – Mula sa 307 COVID-19 cases noong December 20- 26. Biglang pumalo sa 2,057 hanggang 4,600 ang COVID-19 cases na naitala nitong December 27 hanggang January 2.
Pitong beses o nasa 570% ang itinaaas ng kaso kumpara noong nakalipas na 2 linggo.
Kaya naman ayon sa DOH, balik na ang Pilipinas sa high risk classification kasama na ang Metro Manila.
“The National Capital Region is a high risk classification showing in one week growth rate and two the growth rate and moderate risk average daily attack rate of 5.42 cases per 100,000 population” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.
Halo- halo na ang dahilan ng muling paglobo ng COVID-19 cases sa bansa.
Gaya ng mobility o paglabas ng mga tao noong holiday season at ang mga isinagawang pagtitipon gayundin ang pag- iral ng Delta at Omicron variants
Ngunit kahit nasa mas mahigpit na Alert Level 3 na ang Pilipinas, hindi pa rin naman ino-obiliga ang lahat na magsuot ng face shield.
Samantala, lumalabas din sa ulat ng DOH na 85% ng mga na-admit sa ospital at naging severe ang kalagayan ay mga hindi bakunado o partially vaccinated lamang kontra COVID-19. Habang 93% sa mga nasawi hindi bakunado
Kaya naman patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination efforts sa bansa upang mas marami pang mga Pilipino ang mabigyan ng proteksyon laban sa nakamamatay na COVID-19
(Aiko Miguel | UNTV News)