Pilipinas at U.S bumuo ng mas malakas na Agri at Trade Cooperation

by Erika Endraca | April 27, 2021 (Tuesday) | 10339
Photo Courtesy: DA

METRO MANILA – Muling itutuloy ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang kooperasyon para sa kanilang respective agriculture sectors, na nakatuon sa pagbabago ng food system sa pamamagitan ng matatag at climate-smart production system kahit na may pandemya.

Sa isang liham ni Philippine Department of Agriculture (DA) Secretary William D. Dar kay US Department of Agriculture (USDA) Secretary Thomas J. Vilsack sinabi ng kalihim na kung papaanong ang makabagong agrikultura ay may mahalagang papel sa pagtaas ng pag-ani at pagiging produktibo upang tiyakin ang seguridad ng pagkain para sa lumo lubong populasyon at sa ikauunlad ng mga magsasaka at mangingisda.

“Sa iyong pamumuno, aasahana namin na maapaalakas ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estadong Unidos sa agriculural trade, technical cooperation, at sa iba pang patnership,” ani DA Secretary William Dar.

Sa tugon ni Secretary Vilsack, sinabi nya kung papaano nagbago ang America’s food system na nakatuon sa local at reginal food production at naghahanap ng  fairer markets para sa mga producers habang tinitiyak na malulusog at masustansyang pagkain para sa lahat ng mga pamayanan.

Sa ilalaim ng Food for Progress Program, Ang USDA ay susuportahan sa 2 ongoing projects ng Pilipinas ito ay ang  Philippine Coffee Advancement and Farm Enterprise (Phil CAFE), at  Building Safe Agricultural Food Enterprises (B-SAFE).

Ang PhilCAFE project ay isang ay isang proyektong pang puhunan para sa coffee sector na naglalayong mailagay ang National Coffee sa Roadmap. Naglalayon  na mapataas ang produksyon at specialty ng kape, mapataas ang pag export ng kape, at mabuo ang kakayahang mapalawak ang serbisyong probisyon ng cofee value chain.

Samanata ang B-Safe project ay naglalayong i-assist ang Gornment of the Philippines (GOP) at private agriculture enterprises na bumuo o mag adopt ng ebidensya batay sa international standards upang pagbutihin ang pakikipagkalakalan, maayos na pagkain at agricultural products.

Gamit ang accumulated commodity loan sa ilalim ng United States Agricultural Trade Development and Assistance Act or Public Law 480 (US PL480) Title 1 program, ang Pilipinas ay nagpatupad din ng apat na taon na intensified community-based dairy enterprise development” ang proyetong ito ay naglalayong mapabilis ang  development of the Philippine dairy industry.

Ang Department ay pumirma ng isang Memorandum of Understanding kasama ang US-ASEAN Bussiness council para sa matibay na pakikipagsosyo sa  livestock production and animal health, agricultural trading and investment, plant science, agricultural technology, and digital agriculture, food safety, at  inclusive business at sustainability sa pammagitan ng training sa mga  tauhan at opisyal, extending assistance at expertise ng mga miembro ng mga kumpanya para magbigay ng technical support  sa DA at joint research initiatives.

Mula 2015 hanggang 2019, ang produktong  na export sa Pilipinas ay umabot sa  $2.66-B kada taon, kasama na ang: soybean meal, wheat, dairy products, prepared food, processed vegetables, poultry meat, pork, beef and their respective products, snack foods, and feeds and fodders, at iba pang mga produkto.

Sa kabilang banda ang Pilipinas ay nag export sa US ng maraming agricultural products na nagkakahalaga ng $924-M noong 2019, sinundan ng; tropical oils ($353 M), processed fruit and vegetables ($165 M), fruit and vegetable juices ($112 M), tree nuts ($92 M), and raw beet and cane sugar ($36 M), ayon sa  USDA statistics.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,