Pilipinas at Germany, paiigtingin ang relasyon para sa climate change protection

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 3137
Photo credit: Allan Manansala/UNTV Camsur
Photo credit: Allan Manansala/UNTV Camsur

€41 million o P2 billion ang matatanggap ng Pilipinas mula sa International Climate Initiative ng Germany para pondohan ang nasa 10 bilateral projects para sa climate change protection.

Nakipagpulong kahapon si Climate Change Commission vice chairman Lucille Sering kay Norbert Gorissen, hepe ng International Climate Finance ng German Federal Ministry for the Environment, Nature Conversation, Building and Nuclear Safety para talakayin ang mga naturang proyekto na target ipatupad sa taong 2017.

Ayon kay Sering, layunin ng mga proyekto na patatagin ang mga lokal na komunidad para bigyan ang mga ito ng mas mataas na antas ng kamalayan, kapasidad at kasanayan para maprotektahan nila ang kanilang komunidad mula sa pananalasa ng mga kalamidad at pagkakaroon ng oportunidad sa trabaho at pamumuhunan sa renewable energy.

Aniya, lahat ng mga proyekto ay bahagi ng mga prayoridad ng CCC at alinsunod ito sa Philippine Climate Change Act, National Framework Strategy on Climate Change at National Climate Change Action Plan.

Ilan sa mga proyekto na ipatutupad ay ang pagbalangkas at pagpapatupad ng framework at action plan para sa climate change adaptation na nagkakahalaga ng mahigit 3 milyong euro.

Tags: , , ,