PHOTO: COURTESY OF PHLPOST
Ipinagdiriwang ngayong araw, October 9, 2018 ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang World Post Day, sa pamamagitan nito ay hinihikayat ng ahensya ang mga estudyante na padalhan ng sulat ang kanilang mga guro bilang pasasalamat sa kanilang pagsisikap upang sila ay maturuan ng tama.
Layon din ng World Post Day celebration ay magbigay kamalayan sa halaga ng postal service sa pang araw-araw na buhay ng tao ganun din sa mga negosyo at ang kontribusyon nito sa global social at ecomonic development.
Magkakaroon din ang ahensya ng aktibidad para sa mga paaralan sa buong bansa at ito ay ang “Salamat Po Teacher” raffle promo and competition. Ito ay naglalayong epektibong mai-promote ang halaga ng pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ng mga estudyante sa mga guro na nagtuturo sa kanila upang maging mabuting mamamayan.
Sa mga nagnanais sumulat sa kanilang mga guro na nasa elementary, junior at senior high school, ang sulat ay dapat isilid sa sealed envelope, ilagay ang kompletong detalye ng sender at ang papadalhan.
Ang “Thank You” letters ay kailangang ipadala sa Post Office sa pamamagitan ng Ordinary Mail Service gamit ang tema na “4A’s of Gratitude: Appreciation, Admiration, Approval at Attention”. May mga parangal at cash prizes ang handang ipamigay ng ahensya para sa mga mananalo sa raffle promo at sa kompetisyon.
Para sa ibang pang impormasyon hinggil sa aktibidad na ito kasabay ng World Post Day, bisitahin lamang ang facebook page na: https://www.facebook.com/SalamatPoLetterWriting/.
Tags: PHLPost, Post Office, World Post Day