PHL-US military exercise o PHIBLEX 33, tatapusin na bukas

by Radyo La Verdad | October 10, 2016 (Monday) | 949

ROSALIE_Lorenzana
Tatapusin na bukas ang Philippine Amphibious Landing Exercise o PHIBLEX 33 sa pagitan ng Philippine at United States military.

Kabilang sa mga naisagawa ang amphibious landing at combined live fire exercise sa Tarlac at Zambales.

Ayon sa Philippine Marines, napaaga ang schedule ng mga aktibidad kaya madaling natapos ang RP-US military training.

Wala rin aniyang kinalaman ang maagang pagtatapos sa pagpapaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalong Amerikano sa bansa.

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, lilinawin niya kay Pangulong Duterte kung ano ang balak nito sa mga nakatakda pang military exercises kasama ang Estados Unidos.

Nauna nang sinabi ni Sec. Lorenzana na dapat gawing dahan-dahan ang pagpu-pull out ng military forces sa bansa at tiyakin na hindi ito makakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,