Magsisimula na sa April 4 ang taunang Military Bilateral Training Exerises ng Pilipinas at Amerika, ang Balikatan Exercises na layong mapaigting ang pagsasanay ng militar sa humanitarian disaster response at interoperability.
Ngayong taon, mahigit tatlong libong Pilipino at kulang limang libong Amerikanong sundalo ang makikibahagi sa ika-tatlumput dalawang Balikatan Exercises.
Napaaga ang pagsasagawa ng balikatan ngayong taon dahil magiging abala ang Armed Forces of the Philippines sa national elections sa May 9.
(UNTV NEWS)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com