Phl Embassy sa US, nakikipag-ugnayan na sa US immigration kaugnay ng pagkakahuli sa ilang Pilipino sa project shadowfire

by Radyo La Verdad | March 30, 2016 (Wednesday) | 1947
USA(Reuters)
USA(Reuters)

Nakikipag ugnayan na ang embahada ng Pilipinas sa Amerika sa United States immigration kaugnay ng pagkakahuli sa ilang Pilipino sa project shadowfire.

Ang project shadowfire ay isang malawakang operasyon ng U.S immigration sa iba’t ibang bahagi ng Amerika laban sa mga transnational criminal organizations na may kaugnayan sa drug trafficking, murder at racketeering.

Mahigit isang libo ang naaresto sa five-week operation na isinagawa ng immigration and customs enforcement’s homeland security investigations division na kinabibilangan ng ilang Pilipino.

Ngunit tumanggi munang magbigay ng pangalan ng mga naaresto ang mga otoridad dahil sa usaping pangseguridad.

Tags: , , ,