PHL-China Alliance, posibleng magkaroon ng magandang epekto sa mga OFW at negosyo

by Radyo La Verdad | October 20, 2016 (Thursday) | 1477

nel_benefits
Nasa dalawang daang libong Filipino worker ang kasalukuyang nagta-trabaho sa China bilang guro at household worker.

Karamihan sa mga ito ang walang dokumentong magpapatunay na legal ang kanilang pagtratrabaho sa naturang bansa.

Kaya naman malaki ang nakikitang oportunidad ng ilang mambabatas para sa mga OFW sa ginagawang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa China.

Ayon kay Act OFW Representative Aniceto Bertiz, pagkakataon ito upang magkaroon ng pag-uusap ang dalawang bansa ukol sa migrant policy.

Naniniwala rin ang iba pang kongresista na magbubukas ng malaking oportunidad sa sektor ng pangkalakalan ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa China.

Ayon pa kay Congressman Salo, dahil sa laki ng populasyon ng China, malaki rin ang posibilidad na tumaas pa ang tourist arrival sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Tourism, sa buwan pa lamang ng Hulyo ay pumapangalawa na ang China sa may malaking tourist arrival na mahigit 81 thousand.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,