PHIVOLCS, inilunsad ang bagong valley fault system

by dennis | May 18, 2015 (Monday) | 1588
photo credit: Rey Pelayo, UNTV News Correspondent
photo credit: Rey Pelayo, UNTV News Correspondent

Inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang bagong valley fault system atlas na naglalaman ng impormasyon at mas simpleng mapa na tumutukoy sa aktibong fault lines sa Metro Manila.

Ang valley fault system ay isang aktibong fault system sa Greater Metro Manila area na binubuo ng dalawang fault segments.

Ito ay ang East valley fault na may 10 km ang haba sa Rizal at ang 100km na west valley fault na dumadaan sa Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite at Laguna.

Ang West Valley fault ay kayang mag-dulot ng magnitude 7.2 na lindol.

Maaari itong mag-dulot ng mahigit sa 30 libong casualty at pagkasira ng maraming ariarian.

Ang updated atlas na ito ay ipamamahagi ng phivolcs sa mga local government unit upang mas maihanda ang kanilang nasasakupan sa posibleng pagyanig sa hinaharap.