Phishing incident, nakitang dahilan ng BSP sa pagkawala ng pera ng ilang GCash users

by Radyo La Verdad | May 19, 2023 (Friday) | 5543

METRO MANILA – Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko sa paggamit ng digital banking kasunod ng nangyaring problema sa GCash noong isang linggo.

Lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na Phishing at hindi hacking ang nangyari.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, bagamat naibalik na ang karamihan sa mga nawalang pera ng GCash users, may ilan na tuluyan nang nawala ang laman ng kanilang e-wallet matapos makuha ang mahalagang banking details ng account holder gaya ng One Time Password (OTP).

Siniguro naman ni Governor Medalla na pananagutin nila ang mga ito sakaling ma-trace ang may-ari ng back accounts na pinaglipatan ng pera.

Tags: ,