Philvocs, nagpaalala sa mga residente sa Masbate na huwag magtatayo ng bahay malapit sa fault line

by Radyo La Verdad | April 20, 2015 (Monday) | 1439

masbate_philvocs-2
Patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang ilang lugar sa Masbate na may natagpuang fault line.

Tinatawag itong Masbate segment ng Philippine fault zone at Mati-trace sa barangay Gaid at Suba sa bayan ng Palanas pati na sa barangay Nabangig at Sta. Cruz.

Diretso ito sa barangay Gahit sa Cataingan saka tatawid sa ilang bahagi ng Quezon Province sa Eastern Luzon papuntang Nueva Ecija at Ilocos sa North West.

Sa pag-aaral ng phivolcs, ang philippine fault zone na may habang 1,200 kilometers ay isang major tectonic feature ng philippine mobile belt na dumudugtong naman sa iba pang quake plate sa eurasian.

Tiniyak naman ng Phivolcs na nakabantay sila sa fault sa pamamagitan ng digital na aparato na maaaring mag-record ng intensity at real-time earthquake mula sa bansang Japan.

Patuloy rin ang pagsasagawa ng earthquake at fire drills sa masbate para ma-orient ang mga residente sa mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Panukala rin nila sa mga ospital na maglagay ng centralized alarm system na agad maririnig kapag may lindol.(Gerry Galicia/UNTV Correspondent)