Philrem President Salud Bautista, nagpiyansa na sa kasong graft sa Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | May 24, 2016 (Tuesday) | 2897

JOYCE_SALUD
Pansamantala nang makakalaya si Philrem President Salud Bautista matapos magpiyansa sa kasong graft sa Sandiganbayan.

Si bautista ang huli sa mga kapuwa akusado ni dating PNP Chief Alan Purisima sa kasong graft na naghain ng piyansa matapos maglabas ng warrant of arrest ang Korte noong Huwebes.

30 thousand pesos ang inihaing piyansa ni Salud para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sumailalim si Bautista sa booking procedure kabilang ang fingerprinting, filling-out ng personal information sheet, pagsusumite ng litrato at iba pa.

Inakusahan si Salud ng pakikipagsabwatan sa Philippine National Police at kumpanyang Werfast Documentation Agency Inc. at Cmit Consultancy Group para sa sa maanomlayang application at delivery ng mga lisensya ng baril taong 2011.

Sinubukan ng UNTV News na kunan ng pahayag si bautista hinggil sa kaso ngunit tumanggi ito.

Si Philrem President Salud Bautista ang isa sa mga inimbestigahan ng senado at ng Anti- Money Laundering Council kaugnay ng 81 million dollar laundering scam.

Maliban kay Purisima at Bautista, dawit din sa kaso ang labing isang dating opsiyal ng PNP at incorporators ng mga kumpanyang sangkot sa transaksyon.

Sa June 20 itinakda ng Korte ang pagbabasa ng sakdal sa mga akusado.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,