Dadaan sa masusing ebalwasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung mayroon nga bang nilabag ang Philrem Service Corporation sa Anti-Money Laundering Act nang tanggapin nito ang mga transaksyon mula sa RCBC Jupiter Branch Manager na si Maia Deguito.
Ito ay dahil inamin ng kumpanya na dumepende lamang ito sa instruction ni Deguito sa pamamagitan ng tawag sa telepono at hindi na tiniyak ang mga recipient batay sa nakasaad sa “know your client” policy.
Batay sa Anti-Money Laundering Act Section 9A, ang mga institusyong sakop ng amla gaya ng philrem ay kinakailangang makatiyak at mai-record ang tunay na pagkakakilanlan ng kanilang mga kliyente base sa mga opisyal na dokumento.
Inamin naman ng Philrem ang pagpalya nito sa obligasyong kilalanin ang mga customer at sa halip ay dumepende lang sa RCBC Jupiter Branch Manager o third party reliance.
Ang Philrem ang remittance company na ka-deal ng RCBC Jupiter Makati Branch sa umano’y 81-million US laundered money.
Ito ang nagconvert sa Philippine peso ng 60 milyong halaga ng dolyar mula sa RCBC Jupiter Branch at bago inilipat sa mga casino.
Diniliver din nito ang halagang 600 million pesos at 18 million dollars sa isang junket operator na si Weikang Xu mula February 9 hanggang February 13.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: BSP, masampahan ng reklamo, milyong halaga ng dolyar, Philrem, Pilipinas, piso