Philrem, hindi rehistrado bilang money changer, maling buwis ang binabayaran sa Internal Revenue

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1415

JOYCE_HENARES
Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa senado sa 81 million dollar money laundering, naungkat ang umanoy hindi pagiging rehistrado ng Philrem Service Corporation at hindi pagbabayad ng tamang buwis

Dalawang oras late ang presidente ng Philrem Service Corporation na si Salud Baustista sa pagdinig ng Senado sa 81 million dollar money laundering scam.

Hindi nito kasama ang asawa na si Michael Bautista at messenger ng kanilang kumpanya na si Mark Palmares.

Nagpahayag ang pagkadismaya ang mga senador dahil dalawang pagdinig na na hindi dumadalo si Palmares na siyang may papel din sa buong transaksyon ng money laundering.

Ang kumpanyang Philrem ang siyang nagpalit sa Philippine peso ng milyon milyong dolyar na ninakaw sa Bank of Bangladesh bago ito nagamit sa mga casino.

Dahil dito, ipinagutos na ni Sen. Teofista Guingona na i-compell si Palmares na dumalo sa susunod na pagdinig.

Habang lumalalim ang pagdinig, naungkat pa ang umanoy mga kwestiyonableng impormasyon tungkol sa philrem.

Sinabi ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares na hindi rehistradong money changer ang Philrem.

Hindi rin lehitimong mga resibo ang ginagamit nito sa mga transaksyon at hindi rin nagbabayad ng tamang buwis.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,