Bilang pagdiriwang sa ika-251 na anibersaryo ng Philippine Postal Service at ang National Stamp Collecting Month, kikilalanin na bilang Important Cultural Property ang Post Office Building.
Opisyal na itong magiging bahagi ng mahahalagang pagmamay-ari ng mga Pilipino. May layunin itong magbigay inspirasyon na protektahan, pangalagaan at itaguyod ang pagkakakilanlan bilang Pilipino, kasama ang National Commission for Culture and Arts at mga pribadong stakeholders.
Magkakaroon din ng paglulunsad ng bagong stamp para sa taong 2019. Maging ang pagtatanghal sa mga modern at classical stamps sa Manila Central Post Office Lobby, Liwasang Bonifacio sa ganap na ika-3 ng hapon sa darating na Biyernes, ika-23 ng Nobyembre 2018.
Ilan sa mga pangunahing panauhin ay ang Director ng National Museum of the Philippines, gayundin sina Chairman Virgilio Almario ng National Commission of Culture and Arts, Postmaster General Joel L. Otarra at PHLPost Chairman Norman Fulgencio.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa 0916-312-4765 o sa 527-00-96.
Tags: Important Cultural Property, Philippine Postal Service, PHLPost