Nangako ng karagdagang mga tauhan at modernong kagamitan ang Philippine Navy para sa Naval Forces Western Mindanao.
Ayon kay VADM Ronald Joseph Mercado, flag officer-in-command ng Philippine Navy, ito ay upang matigil ang mga insidente ng kidnapping, piracy at seajacking sa area of responsibility o AOR ng NAVFORWM.
Kabilang na rito ang karagatan ng ZAMBASULTA o Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi kung saan madalas nagaganap ang mga nasabing aktibidad.
Dagdag pa ni Mercado, bahagi rin ito ng kanilang ginagawang hakbang bilang sa pagsuporta sa AFP na maisakatuparan ang mandato ng pangulo na wakasan ang mga bandidong grupo sa Mindanao partikular ang Abu Sayyaf Group.
Tags: magdaragdag ng mga pwersa at kagamitan sa Western Mindanao, upang masugpo ang iba’t-ibang karahasan