Isa ang Senate Bill 144 o ang Philippine Native Animal Development Act of 2016 sa mga priority bills na isinusulong ni Senator Cynthia Villar.
Layon nitong matulungan ang pagpapalago sa industriya ng mga native animal sa bansa.
Kabilang sa panukalang batas ang pagtatayo ng Philippine Native Animal Development Center na mangangalaga, magpapalago ng produksyon ng native livestock tulad ng baboy, bibe, manok at pabo.
Ayon kay Senator Villar, sakaling maisabatas ang Philippine Native Animal Development Act ay maglalaan ng pondo ang pamahalaan para sa pagpapalago sa produksyon ng native animals.
Naniniwala naman ang Bureau of Animal Industry na makatutulong ng malaki kung maisasabatas ang naturang panukala dahil makapagdaragdag ito sa kita ng mga magsasaka.
(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)
Tags: isinusulong ngayon sa Senado, Philippine Native Animal Development Act