Philippine National Police ipinagmalaki ang zero incident sa kabuuan ng pagdaraos APEC hosting sa Cebu

by Radyo La Verdad | October 14, 2015 (Wednesday) | 1308

JOYCE_MARQUEZ
Dito sa Cebu ginanap ang APEC 9th Transporation Ministerial Meeting at 12th Energy Ministerial Meeting.

Maraming delegado mula sa iba’t ibang bansa ang dumalo sa dalawang pulong na tumagal ng mahigit sa isang linggo.

Kaya naman, ang Philippine National Police ay naka-heighten alert sa buong cebu sa loob ng mahigit sa isang linggo.

Gwardiado ng PNP ang mga hotel na pinagdausan ng apec meetings.

Ang bawat delegado rin ay may kanya-kanyang escort.

Kada intersection, may nakabantay na pulis para mandohan ang traffic.

Dahil dito, ipinagmalaki ni Police Director General Ricardo Marquez na nakamit ng pnp ang kanilang target na zero incident sa Cebu.

Kanina pinangaralan pa ang ilang kawani ng PNP at kinatawan ng ibat ibang ahensya na nakibahagi sa pagpapatupad ng security, peace and order at emergency preparedness sa Cebu.

Nagkaroon din ng salo-salo o boodle fight ang mga ahensiya na kabahagi sa pagpapatupad ng seguridad sa dalawang APEC meeting.(Joyce Balancio/UNTV Correspondent)

Tags: , ,