Philippine Military magpapadala ng karagdagang naval assests sa West Philippine Sea kasunod ng bagong batas ng China hinggil sa pagatake sa foreign vessels

by Erika Endraca | February 10, 2021 (Wednesday) | 49702

METRO MANILA – Nakababahala para sa bagong talagang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines ang bagong batas ng China kung saan pwedeng bombahin ng Chinese coast guard ang mga foreign vessel na makikitang papasok sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana,hindi naman maituturing na malaking banta ang pagpasok ng mga Pilipino sa pinagaagawang teritoryo dahil karaniwang pangingisda lamang ang kanilang pakay dito.

“I should say it’s a very irresponsible statement dahil hindi naman tayo ang ating mga kababayan ay hindi naman pumunta sa lugar na yan sa disputed are para makipag giyera kundi naghahanap buhay”ani AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana.

Kaugnay nito, pinaplano ng philippine military na mag-deploy ng karagdagang naval assets sa west philippine.

Pero nilinaw ng AFP Chief na hindi nito layon na paki-giyera kundi bilang proteksyon lamang sa ating mga kababayan na papasok doon para lamang sa kanilang hanapbuhay.

“Iincrease natin yung visibility through deployment of more of our naval assests but i just want to make clear that our navy presence there is not to wage war against china but to secure our own people” ani AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaring magdulot ng mas malaking tsansa ng sigalot at aksidente ang hakbang na ito ng China.

Nandigan rin ang mga ito na sang ayon umano sa international law ang bagong batas na kanilang ipinatutupad pero itinanggi na isa itong banta ng pakikipag-giyera sa iba pang mga claimant countries sa West Philippine Sea.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,