Philippine Judges Association, pormal nang inendorso si court admin Marquez bilang kapalit ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

by Radyo La Verdad | July 13, 2018 (Friday) | 9404

Nagpadala ng liham ang Philippine Judges Association kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pormal na rekomendasyon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez bilang kapalit ng magreretirong si Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Naniniwala ang samahan na may isang libo at dalawandaang miyembrong hukom sa buong bansa na sapat na ang tatlong dekadang karanasan ni Marquez sa Korte Suprema upang kunin ang mababakanteng posisyon.

Ito’y sa kabila ng mga akusasyon kay Marquez kaugnay sa kwestiyonableng disbursements sa isang proyekto sa SC na pinondohan ng World Bank na nagkakahalaga ng 21.9 milyong dolyar at pinondohan naman ng pamahalaan sa halagang 2.5 milyong dolyar.

Sa sagot ni Marquez sa reklamo ni Rizza Joy Laurea, sinabi nito na walang basehan at recycled ang mga alegasyon ibinabato sa kaniya.

Si Marquez ay kasama sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC).

Kasama rin sina Court of Appeals Associate Justices Jose Reyes Jr., Apolinario Bruselas Jr., Rosmari Declaro-Carandang, Ramon Hernando, Ramon Garcia, Amy Lazaro-Javier at former Ateneo College of Law Dean Cesar Villanueva.

 

 

 

Tags: , ,