Philippine Identification System (PhilSys), minamadali nang maipatupad ng PSA

by Erika Endraca | May 19, 2020 (Tuesday) | 3525

METRO MANILA – Nahirapan ang pamahalaan sa pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP)  mga pinakaapektadong pamilya ng Coronavirus pandemic sa bansa.

Matatandaang isa sa mga marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilisan ang pagpapatupad ng National Identification System.

Kabilang sa nakasaad sa ikawalong ulat ng Punong Ehekutibo sa joint congressional oversight committee kaugnay ng bayanihan to heal as one law—ang mabilisang maipatupad ang Philippine Identification System (PhilSys).

Target ng Philippine Statistics Authority na mairehistro ang nasa  5-M low income households sa December 2020.

Sa  October 2020 binabalak ng psa na simulan ang registration process sa 46 na registration centers at 1, 170 mobile registration centers sa buong bansa.

Makikipag-ugnayan din ito sa land bank of the Philippines upang magamit ang nasa 126 branches nito bilang registration centers ng PhilSys.

August 2018 nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Philsys Act.

(Rosalie Coz | UNTV NEWS)

Tags:

Registration sa National ID ng mga batang 1-4 years old, sinimulan na ng PSA

by Radyo La Verdad | March 26, 2024 (Tuesday) | 6023

METRO MANILA – Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philippine Identification System para sa mga batang Pilipino edad 1 hanggang 4 na taon.

Layon ng hakbang na maisama na rin ang mga menor de edad para sa pagpapa-rehistro ng national ID.

Upang maipa-register ang mga batang 1 hanggang 4 na taon, kinakailangan na rehistrado na rin sa PhilSys ang kanilang magulang o guardian.

Ayon sa PSA, ang itatalagang permanent identification number sa mga kabataan ay naka-link sa PhilSys identification number ng kanilang magulang o guardian.

Magdala lamang ng kopya ng PSA birth certificate o iba pang supporting documents upang ma-validate ang demographic information ng batang iparerehistro.

Tags: , ,

Na-issue na National ID, umabot na sa higit 65M – PSA

by Radyo La Verdad | May 31, 2023 (Wednesday) | 4826

METRO MANILA – Umabot na sa higit 65 million na national ID ang na issue ng Philippine Statistics Authority (PSA) as of May 20, 2023.

Sa isang pahayag sinabi ng PSA na as of May 19 umabot na sa 31,204,200 na Phil-ID’s na ang nai-deliver.

Habang as of May 20, umabot sa 33,846,182 na E-Phil-ID’s na ang kanilang na issue.

Ayon sa PSA, patuloy silang  nakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa produksyon at printing ng mga card. At sa Philippine Postal Corporation para sa delivery ng mga ID.

Tags: ,

29M National IDs naiimprenta na; higit 15M ePhilIDs nai-release na ng PSA

by Radyo La Verdad | January 20, 2023 (Friday) | 6317

METRO MANILA – Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 75 million na mga Pilipino ang nakapagparehistro na sa Philippine Identification System o national ID.

As of January 13, 2023, nasa 29 million cards na ang naimprenta habang mahigit 15 million naman na digital version nito ang na-isyu sa registrants.

Una nang sinabi ni National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa na handa ang PSA na makipagtulungan sa private sector upang mapalawak pa ang coverage sa paggamit ng national ID card. At upang mapagibayo rin ang planong digitalization sa mga transaksyon sa gobyerno at private sector

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,

More News