Lumipad na patungong Indonesia ang C130 plane na magdadala ng mga non-food items at medical personnel.
Bahagi ito ng ayuda ng Pilipinas sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia noong ika-28 ng Setyembre na kumitil ng mahigit sa dalawang libong tao.
Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang send-off ceremony ng Philippine Humanitarian Team.
Inaasahan na magpapadala pa ng panibagong batch ng humanitarian team ang Pilipinas upang makatulong sa muling pagbangon ng bansa mula sa naturang sakuna.