Philippine Fireworks Association sumang-ayon eo-28 o ang paglilimita sa paggamit ng paputok

by Radyo La Verdad | June 27, 2017 (Tuesday) | 2433


Ipagbabawal na ang paggamit ng paputok kung saan-saan at maglalagay na lamang ng community fireworks display. Ito ang nakasaad sa Executive Order number 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok.

Para sa Philippine Fireworks Association, magandang hakbang ito para mabawasan ang biktima ng paputok.

Base sa section-2 ng executive order, pinapayagan naman ang paggamit ng mga pailaw o phyrotechincs sa bahay.

Samanatala sinisimulan na ng Philippine National Police ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations sa EO-28.

Pinatawag din nila ang ilan sa mga manufacturer ng paputok sa bansa upang makuha rin ang kanilang mga opiniyon. Target nilang matapos ang IRR sa July 20.

Nanawagan naman si Philippine Fireworks Association Presidente Jovenson Ong sa pamahalaan na lalo pang higpitan ang pagpapatupad ng batas upang hindi na makalusot pa ang mga iligal na nagbebenta ng paputok.

(Grace Casin UNTV News Reporter)

Tags: ,