Nanumpa kay Pangulong Benigno Aquino III si Arsenio Balisacan bilang bagong pinuno ng Philippine Competition Commission o PCC.
Si Balisacan ay dating Economic Planning Secretary at Director General ng National Economic and Development Authority o NEDA.
Ang PCC ay bagong ahensya ng pamahalaan na naitatag sa pamamagitan ng Republic Act. No. 10667 O Philippine Competition Act na nilagdaan ni Pangulong Aquino noong July 2015.
Layunin nito na ipatupad ang probisyon ng naturang batas para matiyak ang patas na pagnenegosyo sa bansa.
Pumalit naman bilang Officer in Charge sa NEDA si Deputy Director General Emmanuel Esguerra.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: Chairman Arsenio Balisacan, Pangulong Aquino, Philippine Competition Commission