Philippine Army, nagsagawa ng tree planting sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 2963

gerry2
Nagsagawa ng tree planting ang 9th Infantry Battalion Philippine Army at Philippine Office Environment and Natural Resources Management bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

Mahigit isangdaan at limampu na iba’t ibang uri ng seedlings ng punongkahoy ang itinanim ng mga miyembro ng militar malapit sa itinayong water facility sa bayan ng Milagros.

Ayon kay 9th Infantry Battalion Commander Patrick Cinco, layunin ng tree planting na makatulong sa pagpaparami ng puno sa naturang bayan upang mapakinabangan ng publiko.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,