Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro, nasa bansa na – Bong Go

by Erika Endraca | November 4, 2020 (Wednesday) | 7439

Kinumpirma ni Senator Bong Go kahapon (Nov. 3) na nasa bansa na si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Senator Go at sa rekomendasyon din ng kalihim ng DFA, binigyan na sila ng green light ng punong ehekutibo na imbestigahan ang nasabing opisyal.

Aniya, importante na mapangalagaan ang kapakanan at buhay ng ating mga kababayan na nandirito sa bansa o saan mang panig ng mundo.

“Walang sinuman ang may karapatan na mang-abuso o manakit ng kapwa nating Pilipino. Kahit kailan ay hindi po natin iyan palalampasin dagdag pa niya.” ani Senator Bong Go.

Gayunpaman, inaasahan na magsasagawa ng impartial investigation ang DFA laban sa Ambassador.

“Kung kaya’t babantayan natin ang imbestigasyon na ito at sisiguraduhin na mapanagot ang dapat managot. Hindi tayo papayag na pagtakpan o mapalampas lang ang nangyari at hindi mabigyan ng hustisya ang naaapi” ani Senator Bong Go.

Nagpaalala din ang senador sa trabaho ng isang public servant, lalo na sa mga ang Ambassador na protektahan ang bawat Pilipino at maging tamang ehemplo sa ating mga kababayan.

Bukas din ang tanggapan ng senador sa mga nais magsumbong ng pagmamaltrato lalo na ang mga house staff workers at mga kasambahay na may hinaing, para sila ay matulungan. Kaugnay nito ay nag-abot rin ng konting tulong ang senador sa pamilya ng biktima.

(Jasper Barangan | La Verdad Correspondent)

Tags: