Philippine Airforce, aayusin ang tatlong air bases para sa bagong fighter jets

by Radyo La Verdad | December 8, 2015 (Tuesday) | 1643

ROSALIE_JETS
Nakatakdang i-improve ng Philippine Airforce ang mga pasilidad ng tatlong airbase nito: ang Antonio Airbase sa Puerto Princesa city, Subic Air Naval facility sa Zambales at ang Basa Airbase sa Pampanga.

Ito ay upang may maayos na paglagakan ang 12 FA-50 fighter jets na binili ng pamahalaan mula sa Korean Aerospace Industries.

Ang unang dalawa sa squadron ng FA-50 ay pormal na tinanggap ng Philippine Airforce sa pangunguna ni Pres. Benigno Aquino The Third noong Sabado.

Ang mga airbase sa Subic at Palawan ay itinuturing na strategic dahil malapit ito sa binabantayang West Philippine Sea.

Inaasahan namang makukumpleto ang delivery ng 12 FA-50 fighter jets sa 2015 at nagkakahalaga ito ng 18.9 billion pesos.
Bukod pa rito ay magsasanay din ng mas maraming piloto para sa mga paparating pang FA-50 fighter jets.

(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

Tags: , ,