LUCENA, QUEZON, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine Air Force ang kanilang kapasidad sa pamamagitan ng exhibit at static display na isinagawa sa isang mall sa Lucena City. Bahagi ito ng 30th Pre-Anniversary Celebration ng Philippine Air Force.
“Ang Philippine Air Force natin ngayon ay tuloy-tuloy ang modernization program. Tuloy-tuloy ang aming modernization, sa katotohanan nyan may mga padating kaming mga bagong helicopter, bagong eroplano ngayong taon,” ani Col. Ramon J. Guiang, Acting Wing Commader, TOWSOL.
Dito maaring makita ang iba’t ibang uri ng armas, flight suits, at search rescue equipment. Layon din ng exhibit na makalapit sa publiko ay makahikayat ang mga mamamayan na sumapi sa hukbong himpapawid ng Pilipinas.
“Meron din kaming mga booth na nakainplace ngayon para dun sa mga kabataan natin na mga gusto ng sumama o mag-join sa Armforces sa Philippine Air force in particular meron kaming mga recruitment booth mga reservice na gustong magjoin sa reservice natin, meron din kaming recruitment booth na nakainplace dito sa mall exhibit natin.” Ani Col. Ramon J. Guiang, Acting Wing Commader, TOWSOL.
Pinagpauna na ng PAF na walang madaling training. Dapat ay physically, mentally at emotionally ready ang bawat aspiring trainees ng airforce.
Kaakibat ng pagdiriwang ng grupo ay ang mga brigada eskwela, pagdalaw sa mga orphanage at iba pang mga public services sa rehiyon.
(Japhet Cablaida | UNTV News, Quezon Province)
Tags: 30th Pre-Anniversary Celebration, Lucena City, Philippine Air Force