Philippine Air Force, may bagong military drones

by Radyo La Verdad | March 14, 2018 (Wednesday) | 7439

Kahapon pormal nang tinanggap ng Philippine Airforce ang anim na ScanEagle unmanned aerial vehicles (UAV) mula sa Estados Unidos.

Pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang turn-over ceremony sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang mga bagong surveillance drones ay kinuha ng AFP sa pamamagitan ng foreign military financing grant na nagkakahalaga   13.75 milyong dolyar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, gagamitin ang drone system sa intelligence, surveillance at reconnaissance missions na makatutulong sa internal security operations, counterterrorism at territorial defense operations ng military.

Mapapakinabangan din ito sa pagtaya ng lawak ng pinsala sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad at sa pagtukoy sa kinaroroonan ng mga biktima at survivors. Makatutulong din ito sa pagsugpo ng illegal logging, illegal fishing at aerial survey.

Ayon kay Lorenzana, ang turn-over ng drones ay senyales ng malalim na pagkakaibigan at tunay na pangako ng kapayapaan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,