Philhealth, bukas sa anumang imbestigasyon kaugnay ng sabwatan sa umano’y kwestionableng reimbursement

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 1098

EYE CENTER
Bukas ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation sa anumang imbestigasyon, kaugnay ng hinihinalang sabwatan sa kwestionableng Philhealth claims.

Nag-ugat ang isyu sa biglaang pagdami ng Philhealth reimbursement ng ilang eye centers noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng isyu, at isa sa tinitingnan ngayon ang hinalang sabwatan ng ilang kawani ng Philhealth at mga eye clinic na umano’y naghahakot ng mga pasyente upang makakuha ng mas malaking halaga ng claims.

Sinuspinde ang reimbursement ng QC Eye Center at Pacific Eye Center kamakailan, matapos na maghinala ang Philhealth sa biglaang paglaki ng sinisingil nito para sa taong 2014.

Tags: , ,