Phil Consulate sa Hawaii, target na mapataas pa ang turnout sa Overseas Absentee Voting sa darating na eleksyon

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1614

HAWAII-CONSULATE
Target ng Philippine Consulate sa Hawaii na mapataas pa ang turnout ng Overseas Absentee Voting sa estado sa darating na eleksyon

Sa tala ng United States Census, mahigit one hundred thousand na ang mga pilipinong naninirahan sa hawaii, ngunit nasa walong libo lamang ang mga kababayan natin ang nagparehistro upang makaboto

Sa panayam ng UNTV News Team kay Consul Roberto Bernardo, sinabi nito na sa kasaysayan ng Overseas Absentee Voting sa Hawaii halos isang libong lamang sa mga kababayan natin ang naitatala nilang bumuboto

Kaya naman sa darating na eleksyon sa Mayo, target ng Philippine Consulate na maabot ang 100% ng voters turnout

Upang matupad ito, nakipagkaisa ang Commission on Elections at Philippine Consulate sa UNTV upang maging media partner at makatulong sa information dissemination para sa Overseas Absentee Voting

Sa ngayon sinisumulan na ng UNTV Hawaii na makipag-ugnayan sa mga filipino community patungkol sa darating na halalan.

Tags: , ,