Phil. College of Physicians, naniniwalang “Pandemic of the Unvaccinated” ang pagtama ng Omicron variant ngayon

by Radyo La Verdad | January 5, 2022 (Wednesday) | 1127

METRO MANILA – Mild na sintomas ang dala ng Omicron variant ngunit dahil ito ay mas nakapanghahawa at mas marami ngayon ang nagkakasakit.

Kahapon umabot na sa 5,434 ang COVID-19 cases sa Pilipinas. 611 ang gumaling, 18 naman ang nasawi.

Sa kabuoan, umabot na sa mahigit 2.8 million ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Phil. College of Physicians President Dr Maricar Limpin, maging ang mga fully vaccinated ay pwede ring mahawa ng Omicron variant dahil malaki ang tyansang makaranas sila ng breakthrough infections.

Gayunman, karaniwang hindi nagiging malala ang kondisyon ng bakunadong pasyente. Kaya’t naniniwala ang mga doktor na mas lubhang makaa-apekto ang Omicron sa unvaccinated individuals.

“Pinakamabuti pa rin po sa ngayon ay magpabakuna po kayo that is the best protection na pwede po natin ma- provide sa ating mga sarili iyong severity ng sakit na ito has something to do with the vaccination rate natin may mga na-adnit kami who were unvaccinated na medyo severe, oxygen requiring iyong karamihan sa kanila.” ani Phil. College of Physicians President Dr Maricar Limpin.

Apektado na rin ngayon ng COVID-19 ang mas batang populasyon na bagaman mild ang sintomas ay kailangan pa ring i- admit sa mga ospital.

Samantala, wala pa namang naiuulat na ospital na may critical bed capacity dahil sa pagdami ng mga pasyente.

Nguni’t sa hanay ng medical frontliners, may mga apektado na dahil nahahawa sa sakit.

At kahit mild lang ang sintomas, kinakailangan pa ring mag-isolate kaya nababawasan ang manpower ng mga ospital.

Ayon pa kay Dr Limpin, nagbukas na sila ng ward sa sa Philippine Heart Center para sa mga may COVID-19 infection na hospital staff at healthcare workers

Samantala, nagbigay na ng direktiba ang dept of health sa mga ospital na magdadag na muli ng kama para sa COVID-19 patients para handa na ang lahat sakaling dumaming muli ang mga pasyente sa mga ospital dulot ng panibagon surge.

Tanging pakiusap ng mga health workers sa publiko, maging responsable at ugaliing sumunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

(Aiko Miguel | UNTV News)