Phil. Airforce, nagsagawa ng flight demo sa mga kontrobersyal na helicopters

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 1868

flight demo
Nagsagawa ng flight demonstration kaninang umaga ang Philippine Airforce kasama ang media sa mga kontrobersyal na refurbished helicopters.

Kabilang ito sa kontrobersyal na 1.2 billion peso deal ng Department of National Defense.

Layunin ng flight demo ng DND at PAF na ipakita sa media na walang katotohanan ang mga ulat na depektibo ang mga refurbished UH-1 helicopters na binili ng DND.

Una ring napaulat na may anomalya sa pakikipagtransaksyon ng kagawaran sa dealer ng mga helicopter at US-Based Company na Rice Aircraft Services Incorporated and Eagle Copters.

Mula sa 21 UH-1 helicopters na idi-deliver ayon sa kontrata, pitong helicopters lamang ang naideliver at natanggap ng Philippine Airforce.

Dahilan upang i-terminate ng DND ang kontrata sa nasabing kompanya noong Abril matapos mabigong maideliver ang kabuuang 21 refurbished Huey helicopters sa tamang panahon.

Ayon naman kay DND Bids and Awards Committee Chairman USec. Fernando Manalo, dumadaan muna sa istriktong inspeksyon at procedure bago tuluyang tanggapin ang mga helicopter na indineliber.

Ang karagdagang air assets naman ay magagamit sa iba’t ibang misyon ng AFP tulad ng combat operations, humanitarian assistance, disaster response at hindi lang limitado sa training operations.

Tags: ,