PH Space Agency, popondohan ng P24B sa loob ng 10 taon kapag naisabatas

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 941


Pinaghahandaan na ng Department of Science and Technology ang posibleng pagkakaroon ng space agency ng bansa.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, nakabalangkas na ang panukalang batas na bubuo sa Philippine Space Agency at hihilingin nila sa kongreso na gawin itong priority bill.

Naniniwala si Dela Peña na malaking tulong kung magkakaroon ang Pilipinas ng space agency dahil magagamit ito sa risk reduction, climate change, natural resources at agricultural monitoring at security.

Posible ring makapagpalipad na rin ang Pilipinas ng sariling rocket ship na magdadala sa kalawakan ng mga satellite.

Sa ngayon ay may micro satellite ang Pilipinas—ang Diwata 1 subalit kinailangan pa ang tulong ng Japan at nasa upang madala ito sa kalawakan.

Sa ngayon ay kasama sa pondo ng research and developement fund ngayong taon ang para sa pag-aaral sa space agency.

Ngunit kapag naisabatas na ang panukala ay popondohan ito ng P24B sa loob ng 10 taon kung saan ang P2B ay sa 2018.

Samantala, inaayos na rin ng DOST ang mga panukala para sa kapakanan ng mga scientist na gustong bumalik sa bansa.

Ayon kay sec. Dela peña, pasado na ito sa committee level ng kamara at isusunod na itong isalang sa plenaryo.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,