PH inflation rate para sa February 2024, bumilis sa 3.4% – PSA

by Radyo La Verdad | March 6, 2024 (Wednesday) | 5524

METRO MANILA – Bumilis ang naitalang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Pebrero ngayong taon.

Base sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumilis sa 3.4% ang inflation rate para sa february 2024.

Mas mataas ito kumpara sa 2.8% na naitala ng Enero ngayong taon.

Ayon sa PSA., ilan sa mga factor na nakapagpabilis sa inflation ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, gaya ng gulay, karne at bigas.

Kasama rin sa nakapagpabilis ng inflation ang mataas na transportation cost.

Ito ang unang pagkakataon na muling bumilis ang inflation makalipas ang apat na magkakasunod na buwan ng downward trend.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin at iba pang pangunahing serbisyo na binabayaran ng mga consumer

Samantala, tiniyak naman ng National Economic Development Authority na pinagiigting na ng pamahalaan ang mga hakbang upang ibsan ang epekto ng el nino sa suplay ng pagkain.

Ayon sa NEDA maaaring makaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain ang banta ng tagtuyot.

Tags: ,