PH, hindi kailangang magsara ng borders sa gitna ng banta ng monkeypox – NTF Adviser

by Radyo La Verdad | May 23, 2022 (Monday) | 10639

METRO MANILA – Parehas ang itsura ng bulutong tubig sa monkeypox. May sintomas ito ng lagnat, ubo, sipon, rashes at pamamaga ng lymph nodes ng isang indibidwal.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, hindi kailangang magsara ng borders ang Pilipinas dahil hindi naman bagong sakit ang monkeypox ‘di gaya ng COVID-19.

12 bansa na kabilang ang United States, United Kingdom at Canada ang may naitalang kaso ng monkeypox.

Ayon pa kay Dr Herbosa, ang minimum public health standards kontra COVID-19 ay maaari ring sundin ng publiko para maiwasang mahawa ng monkeypox.

Hindi rin aniya mahihirapan ang mga gumgawa ng bakuna dahil kamag-anak ng monkeypox ang smallpox vaccine. At pwedeng ring gumawa muli nito para gamitin laban sa monkeypox.

Samantala, iniulat rin ng DOH ang kauna- unahang kaso ng Omicron BA.4 subvariant sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ng DOH, ang kaso ay isang lalaking Pinoy na umuwi sa Pilipinas mula sa Middle East noong May 4

Asymptomatic ang balikbayan nguni’t lumabas na positibo siya sa BA.4 Subvariant noong May 8

Ayon sa DOH itinuring ng European Centre for Disease Prevention and Control ang Omicron BA.4 na 1 variant of concern

May abilidad rin umano ito na maiwasan ang immunity ng isang tao na nagkaroon ng COVID-19 o nakatanggap na ng bakuna. Subalit bumaba na ang bisa nito kalaunan.

Mahigpit na pinapayuhan ng DOH ang publiko na magpabakuna at magpa-booster kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon at patuloy na sundin ang health at safety protocols upang maiwasan ang lalong hawaan.

(Aiko MIguel | UNTV News)

Tags: , ,