METRO MANILA – Pinag-iingat pa rin ng embahada ng Pilipinas sa Turkey ang ating mga kababayan kasunod ng mga naitalang malakas na aftershock sa bansa.
Isang crisis command center na anila ang itinayo upang magkaroon ng koordinasyon ang embahada sa Filipino community leaders sa mga apektadong probinsya at maging sa Turkish authorities.
Inaasikaso na rin anila ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ayuda na maaaring ibigay sa mga apektadong Pilipino.
Hinihikayat din ng embahada ang mga Pilipino sa Turkey na magpaabot ng tulong sa mga biktima at ipagbigay-alam sa kanila ang anomang impormasyon patungkol sa mga Pilipinong posibleng malagay sa panganib sa mga apektadong lugar.
Sa mga nais humingi ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Turkey sa pamamagitan ng Whats-app sa numerong +905-345-772-344 o di naman kaya’y via email sa ankara.pe@ dfa dot gov dot ph.
Maaari ring bisitahin ang kanilang official facebook page para sa iba pang emergency helplines sa Turkey at listahan ng mga shelter sa mga apektadong probinsya.
Tags: DFA, PH Embassy