PH Dev’t Plan sa 2023-2028, inaprubahan ni Pang. Marcos Jr.

by Radyo La Verdad | January 31, 2023 (Tuesday) | 3530

METRO MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang isang executive order na naga-apruba sa Philippine Development Plan (PDP) para sa 2023 hanggang 2028.

Nakapaloob dito ang mga hakbang ng pamahalaan tungo sa pagbangon ng ekonomiya at kung papaano reresolbahin ang ilang problemang nararanasan ng bansa.

Target ng PDP na panatilihin ang antas ng paglago ng ekonomiya sa 6% hanggang 7% sa taong 2023, 6.5% hanggang 8% sa 2024.

Maibaba ang unemployment rate sa 4% hanggang 5% pagdating ng taong 2028. Pati na ang poverty incidence mula 8% hanggang 9%.

Nanawagan din si PBBM ng pakikipagtulungan ng lahat upang makamit ang layunin ng nabuong development plan.

“The struggles of our fellow Filipinos run deeper than the bigger and macro problems that we in government encounter. Their struggles are embedded in their respected daily battles: How do I make ends meet? How can I bring food to the table? What is my future going to look like? Will my children live in a better Philippines and the one I grew up in? Ladies and gentlemen, it is my firm belief that answering these questions will be the defining challenge for us who are called to serve and will be the barometer through which the government will be measured.” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: , , ,