Tuluyan nang isinantabi ng Sandiganbayan ang hiling ni Senador Bong Revilla na makapagpiyansa sa kasong plunder kaugnay ng PDAF scam.
Ito ang kimumpirma ng proseksyon sa pamamagitan ni Atty. Joefferson Toribio na sinabing binalewala na ng anti-graft court ang motion for reconsideration ni Revilla na inihain nitong nakaraang linggo.
Batay sa 21-pahinang resolusyon na pinirmahan ni Associate justice Efren dela Cruz, may nakita silang malakas na ebidensya na magdidiin laban sa senador.
Dahil dito, mananatiling nakakulong ang mambabatas sa Camp Crame hanggang sa marating ang desisyon sa kaso.
Magsisimula naman ang pre-trial sa kaso ni Revilla sa Mayo 21.
Tags: Bong Revilla, PDAF scam, Sandiganbayan