Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang petisyong makapagpyansa ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang kasong plunder.
Ayon sa Anti-Graft Court malakas ang ebidensya na naiprisinta ng prosekusyon sa kanyang partisipasyon sa 10-billion pork barrel scam
Sa mahigit dalawang daang pahinang resolusyon, sinabi ng Sandiganbayan na napatunayan ng prosekusyon ang lahat ng elemento ng kasong plunder.
Una, ang pagiging public official ni Sen. Estrada, at ang pagiging miyembro nito ng Senado na nagbibigay sa kanya ng awtoridad upang desisyunan ang paglalagyan ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Ikalawa, ang umano’y pakikipagsabwatan ng senador sa ilang piling indibidwal katulad nila Janet Lim Napoles at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan upang magkamal ng iligal pondo.
Sa pamamagitan ng endorsement letters ng senador, nailagay ang kanyang PDAF sa mga piniling partikular na non-government organizations ni Napoles, katulad ng Social Development Program for Farmes Inc or SDPFFI at masaganang ani para sa Magkakasaka Foundation Inc. o MAMFI.
Ang pageendorso ng senador sa mga ngo na ito ang nagbigay ng kapangyarihan kay Napoles na paglalagyan ng kanyang pdaf.
Base sa special aduit report, na lamang peke ang mga ngo’s ni Napoles dahil hindi nag-eexist o hindi makatotohanang ang mga address na iniligay sa SEC registration.
Habang sa tulong naman ng imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, napag-alaman walang napuntahan ang mga agricultural projects dahil pineke lang din ang mga benepisyaryo nito.
Ayon din sa resolusyon ng Sandiganbayan, malakas ang ebidensya na nagkamal ng iligal na pondo si Estrada na higit pa sa 50 million pesos.
Base sa testimonya ni Luy at Tuason, nabunyag na ang ilang kumisyon ng senador ay ipinadadala sa kanyang mga middleman na sina tuason at ang kanyang chief of staff na si Pauline Labayen.
Pero sa naging imbestigasyon ng Anti Money Laundering Council or AMLC, napag-alamang ang ibang kumisyon ng senador ay naibigay pamamagitan ng cash transfers sa related accounts katulad ng sa kanyang asawa at kapatid.
May ilang cheke rin na nakapangalan aniya sa mga conduits ni estrada na sina francis yenko at juan ng.
Si Estrada ang ikalawang mambabatas na na-deny ang bail petition, kasunod ng kaparehong desisyon ng 1st Division sa petisyon naman ng kapwa akusado ni Sen. Bong Revilla.
Ayon naman sa Malacanang, tinatanggap nila ang naging desisyon ng Sandiganbayan sa kaso ng mga senador, at aantabayanan ang mga susunod na hakbang ng prosekusyon.
(Joyce Balancio/ UNTV News)
Tags: Petition for bail, Sandiganbayan, Sen. Jinggoy Estrada