Limang transport group ang nagkaisa na humingi ng dalawang pisong dagdag singil sa pamasahe sa jeep. Sa inihaing petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board iginiit ng grupong pasang MASDA, FEJODAP, ACTO, LTOP at ALTODAP na hindi na sapat ang kinikita ng mga driver sa otso pesos na minimum fare sa jeep. Naniniwala ang transport groups na mauunawaan ng mga commuter ang kanilang hiling na taas pasahe.
Ngunit tila hindi ganito ang pagtanggap ng mga pasahero. Ayon sa ilang pasahero na aming nakapanayam, hindi raw patas ito dahil magiging mas pahirap ito sa mga commuters bunsod na rin ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Sa September 27 itinakda ng LTFRB ang pagdinig kaugnay sa fare hike petition.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )