Dinismiss ng Supreme Court ang petisyon na naglalayong obligahin ang Ombudsman na imbestigahan at kasuhan sina Pangulong Benigno Aquino the third at Budget Sec. Butch Abad kaugnay ng Disbursement Acceleration Program o DAP.
Magugunitang ilan sa bahagi ng DAP ang idineklarang unconstituional ng Korte Suprema noong July 2014.
Ayon sa Mataas na Hukuman, walang merito ang petition for mandamus na isinampa nina Greco Belgica dahil hindi naman ministerial kundi discretionary sa panig ng Ombudsman ang pagsasampa ng kaso.
“The court dismissed the petition for mandamus for lack of merit. The court declared that the acts sought to be compelled by petitioners are not ministerial act but are discretionary acts.” Pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te.
(Roderic Mendoza/UNTV Radio)