Petisyon upang paalisin sa pwesto si Sen Grace Poe, hindi tinanggap ng Senate Electoral Tribunal

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 1369

RIZALITO
Pasado alas diez ng umaga nang dumating sa Senate Electoral Tribunal si dating Senatorial Candidate Rizalito David.

Nais sana ni David na maghain ng Quo Warranto Petition laban kay Sen. Grace Poe na humihiling na tanggalin ito sa pagka-senador.

Sa labing anim na pahinang petisyon, sinabi ni David na hindi natural born citizen si Poe at isang adopted child.

May misrepresentation din umano sa kanyang Certificate of Candidacy noong tumakbo sa 2013 elections.

Sinabi ni David na hindi totoong nakacomply si Poe sa two year residency requirement upang kumandidato sa pagka-senador.

American citizen pa rin daw si Poe nang umupo ito bilang Chairman ng MRTCB dahil pasaporte pa ng America ang kanyang hawak .

Bilang pruweba, inilagay ni David sa kanyang petisyon ang Cerificate of Candidacy, re-acquisition of Philippine Citizenship Documents pati na rin travel records ni Poe.

Ngunit hindi tinanggap ng Senate Electoral Tribunal ang ihahaing petition niDavid dahil wala siyang dalang filing fee na nagkakahalaga ng 50 thousand pesos.

Tumakbo bilang Senador si Rizalito David noong 2013 kasabay ni Sen Grace Poe ngunit hindi nanalo.

Itinanggi naman ni David na binayaran siya o naimplwensyahan upang maghain ng petisyon laban kay Sen.Poe aniya, ginagawa lang niya ang naiisip niyang tama at ang makatarungan. (Joyce Balancio/ UNTV News)

Tags: ,