Petisyon sa P0.25 na bawas pasahe sa kada kilometro sa jeep, dedesisyunan na ng LTFRB sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | February 16, 2016 (Tuesday) | 1573

LTFRB
Tinapos ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagdinig nito sa petisyong bawasan pa ng 25-sentimo ang pasahe sa kada kilometro sa jeep.

Sa petisyong inihain ni Negros Oriental Rep Manuel Iway hiniling nito na ibaba ang singil sa kada kilometro sa jeep dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo na produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Subalit ayon naman sa mga jeepney operator, hindi naman nadagdagan ng malaki ang kanilang kinikita dahil mas kumunti pa umano ang kanilang mga biyahe dahil sa matinding traffic.

Ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez pagaaralan na nila ang mga argumentong isinumite ng magkabilang panig.

Kukunin din umano nila ang rekomendsyin ng National Economic Development Authority o NEDA kung ano ang posibleng maging epekto ng bawas singil sa takbo ng ekonomiya sa bansa.

Kung maaaprubahan magiging P1.25 nalang ang magiging singil sa kada kilometro sa jeep mula sa kasalukyang P1.50.

Habang mananatili sa 7-pesos ang minimum na pasahe sa jeep.

Oras na maresolba na ng LTFRB ang petisyon agad na nila itong iaanunsyo sa publiko.

(Aiko Miguel / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,