Petisyon para sa P15 na dagdag-pasahe sa jeep, patuloy na dinidinig – LTFRB

by Radyo La Verdad | August 19, 2022 (Friday) | 9710

METRO MANILA – Patuloy pang dinidinig ng Land Transportation Fand and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon para sa dagdag-pasahe sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) .

Hiling ng ilang transport groups ang P15 minimum na pamasahe sa unang 4 na kilometro. At P2.50 sa bawat karagdagang kilometro.

Ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Garafil, kung aaprubahan ang petisyon ay ipatutupad ito sa buong bansa.

Depende rin aniya sa board kung gagawing provisional o pansamantala lang ang dagdag-pasahe o magiging permanente na ito.

Ngunit sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng LTFRB ang naturang petisyon sa dagdag pasahe at magiging epekto nito kung ito ay aaprubahan ng board.

“We have to take into considerations yung fuel prices. Although napapansin natin pababa naman ang price, but then medyo mataas pa rin siya compared doon sa 44 pesos nila na rate when they filed the petition. And of course, we’ll have to take in consideration syempre yung magiging effect niya sa mga commuters natin at saka yung kaniyang inflationary effect sa ating ekonomiya.” ani LTFRB Chairperson, Cheloy Garafil.

Tags: ,