Petisyon para sa karagdagang P710 umento sa sahod, inihain

by Radyo La Verdad | April 29, 2019 (Monday) | 26136

METRO MANILA, Philippines – Naghain ng petisyon para sa karagdagang 710 pesos na umento sa minimum na sahod ng mga manggagawa ang labor group na Associated Labor Trade Union Congress of the Philippines.

Idinaing ng labor group na ALU TUCP sa National Capital Region Regional Wage Board ang kanilang hiling na na 710 pesos na umento sa sahod para sa mga pribadong manggagawa kanina. Ibig sabihin mula sa minimun na 537 pesos nais nilang gawing 1,245 ang minimum wage.

Ilan sa dahilan ng mataas na presyo ng pangunahing bilihin, epekto ng Train Law, Excise Tax sa langis, VAT at ang rekomendasyon ng Food and Nutrition Research Institute at iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa kinakailangang masustansyang pagkain ng mga konsyumer.

Sa 2018 Household Final Consumption Expenditure ng PSA itinakda ang alokasyon para sa pagkain SQ 42.5% ng 537 pesos pero ang halaga ng nauuwi ng isang maggagawa ay nasa 354.80 lamang, mula sa halagang ito ay nasa higit P150 ang nailalagay na alokasyon para sa pagkain.

Babagsak na nasa 10 piso kada meal lamang ang alokasyon para sa bawat miyembro ng pamilya na may 5 miyembro.

Noong nakaraang Nobyembre huling naaprubahan ng Wage Baord ang 25 pesos na umento para sa mga pribadong manggagawa na nagtaas ng sahod mula 512 pesos hanggang 537 pesos.

Mon Jocson | UNTV News

Tags: , ,