Petisyon para sa dagdag piso sa pasahe sa jeep, dininig ng LTFRB

by dennis | May 19, 2015 (Tuesday) | 1902

LTFRB

Nagsagawa ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng petisyong inihain ng Alliances of Concerned Transport Organizations (ACTO) para sa pisong dagdag pasahe sa jeep.

Ayon kay ACTO President Efren De Luna, hindi lang dapat ang presyo ng produktong petrolyo ang pinagbabasehan ng LTFRB kundi dapat din nitong tignan maging ang mga gastusin na ginagamit sa pagmimintena ng jeep. Anya binabawi lang nila ang pisong kinuha sa kanila ng ibaba sa 7.50 ang pasahe sa jeep.

Hindi naman sangayon si Congressman Manuel Liway at ang kinatawan ng mga commuters na si Elvira Medina sa nais ng ACTO na dagdag pasahe dahil hindi pa ito napapanahon.

Samantala binigyan ang oposisyon para magkomento kontra sa petisyong dagdag pasahe sa jeep sa loob ng walong araw at pagkatapos ay maglalabas ng desisyon ang LTFRB.

Tags: , , ,